mattersmost on DeviantArthttps://www.deviantart.com/mattersmost/art/hayskul-RECITATION-214117986mattersmost

Deviation Actions

mattersmost's avatar

hayskul RECITATION

By
Published:
6.8K Views

Description

GAWA NG MALABONG IDEA AT KAKARAMPOT NA TALENTO
* PASENSYA NA MEDYO NAG-IIBA ANG Kulay sa ibang monitor lalu na pag flatscreen medyo maliwanag.. hindi ko matansya dun sa monitor namin..


“ HAYSKUL RECITATION”

Twing first metting ng klase sasabihin ng teacher o instructor kung anu ang dapat mong gawin para makapasa ka sa subject nya. Isususlat sa board ang mga kategorya: finals/exa’s _%, project’s_%, quizzes,__%, attendance__%, at RECITATION__%!!

Ang alam ko nung elementary e’ medyo relax lang ang recitation. Pero nung highschool at collage sangkatutak at katakot-takot na recitation. Ewan dito siguro nalalaman ng teacher o Instructor kung sino ang may alam, sa walang alam at kung sino ang nag-memorize lang sa mga nakaintindi. Ang alam ko araw-araw ay minamarkahan tayo sa recitation. Pero may ibang teacher, instructor, terror at alien eh’ trip yung isahang araw lang na recitation, at dun kana mamarkahan sa araw ding iyun. Meron’g pinarerecite, pinagmememorize ang ganyan ganyan, pinagcocompute ang ganito ganito. Yung

mission vision ng school

Holy rosary

Multiplication table

Yung kung anung region, kung anung province ang nandun sa region, at kung anung municipality at city ang nandun sa province. At kung anung lintik na capital nung region
Yung bansa at capital ng bansa.

Mga tayutay, Parts of the tree, Kabanata ng noli me tangere,

Philippine Act. Ekek, President ng pilipinas, mga sinulat mong tula, talumpati,

Chinnese dyanasty, planets, Kind of sentence,

Na link kay piolo pascual ( babae at lalake)

Mga dahilan kung bakit ayaw mo kay willie revillame,

Yung sinulat mo sa sulating formal ( formal theme),

Episode ng Naruto,Mga watawat ng pilipinas, Disney princesses,

Officers at history ng school,

Lupang hinirang at panunumpa sa watawat ( baying magiliw nung elem.)

History ng pilipinas, ng mundo, sibilisasyun ng mga tao, human evolution, teorya ng mga salita, tamang pag- pronounce ng ganito ekek, (Naalala ko yung speech class naming dati, pinipilit kami ng teacher ko na bigkasin naming yun “TOUCH” embes na “TATS” at “GIRAFFE” embes na “DYERAFE, ENTITY sa ENTEETEE, HIPPOPOTAMUS kaysa HIGH POPOTANG NY0.)

Body system, parts of computer, how to eat banana,chords ng gitara, typing master, steps ng ganitong klase ng sayaw, vertebrate at invertebrate animals,

At kung anu anu pa mang lesson na trip tanungin nung teacher.. ewan ko sa mga matatalino pero sa para sa akin na mahina ang utak e’ nakakakaba yung mga ganung ekesena. Ikaw ang nasa unahan at lahat ng mata sa classroom sayo nakatingin. Minsan tatanungin ka pa ng tanung na hindi mo naman pinag-aralan, kasi akala mo hindi naman itatanong.( pero tinanung nga!!) At meron ding mga teacher na maypagka-adik, yung duda sila kung bakit mo nakuha yung sagot. Yung tipong nasagot mo na yung tanong, tatanungin ka ulit kung panu mo nakuha yung sagot. Ang labo! ( sinagot ko dati yung teacher naming kung panu ko nakuha yung sagot, sinabi kong nakuha ko dun sa tanong. Sabay tanung kung bakit yun yung tanong at kung bakit yun yung sagot sa tanong?) Mahirap nga talaga ang hindi matalino, kahit simpleng recitation e’ prinoproblema pa din’

Pero di man siguradong nakakapagpatalino ang tindang yema ng mga teacher ay tiyak na nakapagpapataas ng grade. Kaya’t

finals/exa’s _%, project’s_%, quizzes,__%, attendance__%, at recitation__%, YEMA __%!!

** matagaltagal na rin ulit mula nung huli kong school scene, gawa ulit ng bagu’ng blackboard background scene!
Iba pang pinoy school scene: [link]

[link] pa like naman mga chong, magkakalat din ng kabobohan sa peysbuk. Rakenrol! ( invite nyo narin yung friends nyo’ng walang kamuwanmuwang sa peysbuk na ilke yung page.NAKIKIUSAP AKO KAILANGAN KO YUN.. salamat)
[link]

Mga tula,sulat at maiikling kwento [link]
( mag letra)

my works that pictures about the Philippine Old rural life here: [link] ,

Mga tagpong, nagpapakadeep, kunyari in-love,sarap : sapakin!: [link]
(love scene ekek)

tools = pcsc5 + mouse
Image size
900x572px 242.17 KB
© 2011 - 2024 mattersmost
Comments67
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
chocopochi's avatar
Nabasa ko yung tungkol sa hayskul life mo in recitation. Nakaka relate. Tama ka, pati ang simpleng recitation pinoproblema din. apir tau dun kuya. XD