mattersmost on DeviantArthttps://www.deviantart.com/mattersmost/art/MAGTANIM-AY-DI-BIRO-205865644mattersmost

Deviation Actions

mattersmost's avatar

MAGTANIM AY DI BIRO

By
Published:
17.4K Views

Description

“PLANTING RICE 2011”
Inspired by Fernando amorsolo. “ PLANTING RICE”

… magtanim ay di biro, maghapon naka-yoko. Di naman nakatayo, di naman naka-upo. Sa umaga’t pagkagising ay agad iisipin, kung saan may patanim doon masarap ang pagkain”..

Haha. Hindi ko alam, pero parang hindi bagay yung title nung gawa ko,. Mas bagay ata yung “ sa patanim doon masarap kumain”.. ewan parang maga taong magtatanghalian yung nagawa ko, hindi mga taong nagtatanim.

WAG KAYONG MANIWALA DITO:

Huli kong gawa na inspired ni Fernando Amorsolo ekek wannabe sana nabigyan ko ng hustisya.haha. Ewan ko naisip ko lang kasi.
Mahilg ako gumuhit ng mga anime, doodle,cartoony , western at iba pa.( pero parang mga ewan din lang. hindi ako magaling.tsk!) At marami na rin akong mga kakilala na ganun din. Marami na rin akong nakitang mga pinoy dito sa deviant, na magagaling at yun nga ganun din yung hilig nila. Pero wala pa akong nakitang likha,drawing o gawa o gumawa ng ORIGINAL O TRADITIONAL na sining ng mga Filipino. “Nakakadrawing naman daw ako,” sabi yan nung instructor naming dati sa animation, alam kong pinapahiya nya ako nung sabihan nya sakin yun. Pero hindi nya alam natuwa ako dun sa sinabi nya, kasi “ nakakadrawing naman raw ako” ATA??haha. Maraming magagaling na Pinoy artist,o magagaling gumuhit o magpinta, at nererespeto ko ang kung anung style ang meron sa gawa nila. Pero bakit parang kukunti o wala akong nakikitang gumagawa ng traditional na Pinoy style na sining. Maraming pinoy ang tumatangkailik sa mga Anime( isa na ako dun!) pero bakit walangtumatangkilik sa makalumang sining nA galin sa ating mga ninuno? ( isa na ako dun!!) Kung tatanungin ka ni Juan Luna o Fernando Amorsolo “ bakit si naruto ang drinudrawing mo?, bakit si Batman? Bakit robot?”

….Parang “ ayoko ng Pinoy style kasi panget, kasi baduy, kasi makaluma, hindi na uso yan!!. …….Parang “ ayoko sa pilipinas kasi ma trafik, kasi mahirap,kasi mabaho!! Gusto ko sa ibang bansa, sa U.S. kasi may dollar, sa Japan kasi nandun si Voltez 5.

Hindi masama yung magtangkilk ng iba, pero hindi rin masama ang tangkilikin ang sariling inyo.ang atin. Parang tinalikuran mo ang sarili mong kultura at pinagpalit sa iba kasi nga mas maganda. ……Kaya yun nga since nakakadrawing rin daw naman daw ATA ako’ ngtry ako ng ganitong style ( yun nga lang palpak! Gaya ng sinabiko hindi ako magaling.) pag bibigay pugay ko na rin ata to sa mga sinaunag mga pilipinong pintor o iba pa, kahit parang nababoy ko ata yung style ng art nila dahil sa sagwa ng gawa ko.psensya na..

*Juan Luna: bakit mo drinudrawing si naruto? Alam kung maganda yan. Astig at cool pa. hehe..

*pinoy artist: ?????

*Juan Luna: Ahmm.hindi ka ba nagagandahan sa mga gawa ko? Sa mga Gawa naming? Sa gawang Pilipino? Oo o hindi? ………

*pinoy artist: ????

* Juan Luna: marunong ka magdrawing diba? Ba’t di mo subukang gumawa tulad ng mga gawa namin. Kahit isang beses lang sa buhay mo,sa ganuong paraan nasabi mong isa ka ngang pinoy artist. Kasi may nagawa ka na orginal na pinoy style.

*pinoy artist: ?????

Fernando Amorsolo: haha nice!! May Dvd narin ako ng mga bagung episode ng naruto. Haha. Akatzuki!! Bagung issue ng full metal magazine.. ayos!! Rakerol to.


• * HINDI NGA PALA ITO YUNG SINASABING LUMANG TARDITIONAL NA SINING NG MGA PILIPINO. IBA PARIN YUNG GAWA NG KAMAY SA GAWA NG MAKINA. PERO MASASABI KUNG ITO YUNG LUMANG TEMA O CONCEPT NG SINING NG MGA UNANG PILIPINO.ATA??
• NERERESPETO KO KUNG ANUNG STYLE ANG KOMPORTABLE KAYO. WALA AKONG SINASABING WAG NYO YANG GAWIN. PERO GUSTO KUNG SIKAPING NYONG MAKAGAWA NG MGA GANITONG URI NG TEMA, CONCEPT O MAY PAGKAPILIPINONG TEMA SA GAWA NYO( MAKALUMA MAN O BAGU). AT GAWIN NYO TO KUNG SAANG STYLE KAYO KOMPORTABLE O KUNG ANUNG HILIG NYO. WALA AKONG PAKIALAM KUNG ANUNG ISTILO PA YAN. SA AKIN LANG, KAHIT ISANG BESES LANG SA BUHAY MO. LUMIKAHA KA NA NAGPAPAYAMAN SA SINING NG MGA PILIPINO.
• AT HULI WAG KAYONG MANINIWALA SA AKIN. KASI BOBO HO AKO,.PASESNSYA NA,.




More of my works that pictures about the Philippine Old rural life here: [link] ,



Iba pang pinoy scene: [link]
( school bloopers at kwentong chalk)

Mga tagpong, nagpapakadeep, kunyari in-love,sarap sapakin! : [link]
( love scene ekek)

Tools : pscs5 at mouse
Image size
900x576px 593.28 KB
© 2011 - 2024 mattersmost
Comments104
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
Happy-FNaF12345's avatar