mattersmost on DeviantArthttps://www.deviantart.com/mattersmost/art/HARANA-sa-gabing-madilim-209307834mattersmost

Deviation Actions

mattersmost's avatar

HARANA sa gabing madilim

By
Published:
9.6K Views

Description

“HARANA sa gabing madilim Yow.”

[link] may peysbuk akawnt! Paki like nman po. nagppatuloy ang kabobohan dun..

Gaya ng sinabi ko.. DUN SA LAMPARA SA GABI. AT KALESA SA GABI AT ILAW

Ewan ko napansin ko lang, wala pa akong nakikitang paintings ng mga lumang Pilipino artist na gabi yung settings. Meron nga siguro pero wala pa akong nakikita. At naisip ko rin kung anu yung itsura noon sa pilipinas pag gabi. Alam kong makitid ang utak ko, kaya ganito lang yung nakayanan ng imahinasyon ko. Pagpasensyahan nyo na.. ( PAULITULIT)

AT trip ko lang gawing medyo loko-lokong ewan yung dalawang nanghaharana.

O, ilaw, sa gabing malamig ( yow yow yow!)
Wangis mo'y bituin sa langit. ( oh, beybe!)
O, tanglaw, sa gabing tahimik ( aha!)
Larawan mo, Neneng, ( you are the one baby!!)
nagbigay pasakit. Ay! ( here we go!!)

Gising at magbangon (listen up yow!)
sa pagkagupiling (aha! Aha!)
Sa pagkakatulog
na lubhang mahimbing. (wazzup..)
Buksan ang bintana
at ako'y dungawin ( shake yer booty!! Touch me baby!!)
Nang mapagtanto mo a
ng tunay kong pagdaing. ( BREAK IT DOWN YOW!!)


Yan daw yung kinakanta ng mga kalalakihan noon pagnaghaharana. (Yan yung sinabi nung teacher namin sa music dati nung grade 4, kinakanta namin to dati sa subject nya.) Pero matapos ang First grading wala na yung subject naming music. Ewan ko, wala na raw kasi yung mga music instrument na ginagamit ni mam’ nasira daw. Pinagbabato ata sa mga estudyanteng ka boses ni Mariel Rodriguez at Anne Curtis. ( pero okay din yun a! kaysa naman kung boses ni Willie! Mas nakakatuwa pa sila pakinggan kayas dun sa isa). Balik tayo sa music subject. Sayang nga at yun pa naman yung paborito kong subject kasi masyadong relax. Kakanta ka lang ng “ leron leron sinta” at “ paru parung bukid” maghapon. Tapos na. tapos nun lahat ng grading P.E. na. Maghapon naman kaming takbohan. Nakakagutom masyado.

Ang makakita ng bayanihan,palosebo,mga tao sa fiesta at nagtitinikling , harana at iba pa,ang gusto kung mangyari. Sayang lang at hindi ko naabot ang panahong uso pa ang lahat ng yan. Nung panahon ko, sa mga pelikula ( aksyon man o comedy yan yung uso dati) hindi nawawalan ng eksena na manghaharana yung bidang lalake sa bidang nagpapakipot pero kinikilig din naman at bibigay din sa huli na babae.( Sama mo na rin yung eksenang magbabakbakan sa isang bar kasi binastos yung babae.) pero ngayon wala na siguro. Hindi ko alam, pero para sa akin okay yun. Kahit parang siningit lang sya sa eksena. At least may tatak pilipino pa din, kahit parang ewan.

Siguro nga mas mabuting sa pelikula ko na lang naabot yung mga eksenang naghaharana. Kaysa naman sa makakita ako sa daan o sa kapitbahay namin na may nanghaharana at yung kinakanta e’ yung mga lovechungs na kanta ni Willie Revillame at Justine Bieber e’ wag na lang!! Bukod sa ayoko sa dalawang kumag na yan e’ hindi naman maganda yung boses nila. Nakakabwesit lang! Para bang gusto mong sabunotan yung kumakanta. Ilibing ng buhay kasama si willie, Lunurin sa Pasig River at lagyan ng karatulang ‘wag nyong tularan’, ipalapa sa isangput tatlong naglalakihang gutom na buwaya, itranslate sa tagalog ang english ni Manny Pacquiao (nakakabuwang yun!!), buhusan ng tubig na galing sa arenola, at Kurutin sa singit at utong!.

“ aaAM POREBER YURSSss PEYTFULI” mga tambay. Hinaharana yung tindera, na sana pautangin sila ng pulutan. RAKENROL!

Harana, also known as Habanera Filipina, is a Philippine serenade which derives its rhythmic element from the Spanish Tango. The Spanish version has a lively, seductive tempo, the Filipino version is romantic, lyrical and slow.

. ENGLISH TRANSLATION of O’ ILAW

O, light, in the cold night
You're like a star in the sky
O, light, in the quiet night
Your picture, Neneng,
makes one hurt. Oh!

Awake and arise
from slumber
from your sleep
so deep.
Open your window
and look out to me
So that you may understand
my true lament.

Credits dun sa harana-nimerinda jr. Paintings na nakita ko sa internet.

Iba pang pinoy scene: [link]
( school bloopers at kwentong chalk)

my works that pictures about the Philippine Old rural life here: [link] ,

Mga tagpong, nagpapakadeep, kunyari in-love,sarap sapakin! : [link]

Tools : pscs5 + mouse ( I need tablet!! Ah poverty)
Image size
900x576px 540.56 KB
© 2011 - 2024 mattersmost
Comments31
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
chocopochi's avatar
uso pa yan~...

sa text nga lang. :>

(I've seen my cousin's cellphone full of love songs from her BF.)